Jimmuel c naval biography of barack
Jimmuel c naval biography of barack
Philippine eLib...
Campus
Si Prop. Jimmuel C. Naval, PhD, ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) ang nahirang kamakailan na ika-9 na dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literature (KAL).
Inaprubahan ng Lupon ng mga Rehente (BOR) ang kanyang pagkakatalaga sa ika-1361 nitong pagpupulong noong Hunyo 2.
Magsisilbing dekano si Naval mula Hunyo 2, 2021 hanggang Hunyo 1, 2024.
Kasalukuyang Propesor 12, binalangkas ni Naval ang kanyang mga plano para sa KAL batay sa tema ng selection process, “buKAL ang/sa paglilingkod.”
Bahay. Hanggang ngayon ay wala pang sariling gusali ang KAL matapos matupok ang Faculty Center (FC) noong 2016.
“Sapat na ang mahigit limang taong paghintay.
Panahon na upang balikan ang solar nating sinilangan kapiling ang mga silid-aralan, aklatan, si Magdangal, at ang mga Diwatang simbolo ng disiplinang ating pinagkakilanlan,” ani Naval.
Ugnayan, Usapan, Umpugan. Idinagdag niya na kailangang bigyang-pansin ang pagbubuo ng Opisina ng Programang Ekstensyon.